Paalam Papa, Hanggang sa Muli
Malungkot na masaya, masakit na mapait, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa tuwing naiisip kita aking ama (Juan E. Albarico) unang-una dahil ikaw ang taong nagparamdam sa akin ng halaga ko bilang tao at bilang isang anak. Tinuruan mo akong maging mabuting tao hindi lang sa mga kaibigan, kapamilya, at kakilala ko kundi maging sa iba pang mga tao. Habambuhay kong dadalhin hanggang sa aking pagtanda ang lahat ng mga aral at payo na ibinigay mo sakin. Papa ako po ngayon ay nalalapit na sa aking Graduation ng hayskul na nakapaloob sa k-12 program ng DEPED , sa wakas po ay masusuklian ko na din po ang paghihirap ninyo ni mama sa pagtatrabaho upang mapag-aral ako at mabigyan ng pang araw-araw na baon sa tuwing papasok sa eskwela. Sobrang lungkot lang pong isipin na kayo ay wala na upang gabayan at sabayan ako sa pag akyat sa entablado ng aking paaralan upang kunin at ipamaglaki sa lahat ang aking pinaghirapang diploma. Ngunit pangako ko po sa inyo na hinding-hindi ko po papabayaan ang aking pag-aaral na kagaya ng palagi ninyong pinapayo sa akin, mas paghuhusayan ko pa po ang pag-aaral pag dating sa kolehiyo papa! Alam ko pong masaya na kayo dyaan sa tabi ng panginoong maykapal na si hesus naway gabayan po ninyo ako palagi at ang ating pamilya, tulungan mo po kaming makapamuhay ng masaya , masagana at payapa sa kabila ng pagkawala mo sa aming piling . Mula sa ikabuturan ng aking puso at ng aking mga kapatid at ni mama , miss na miss na po namin ikaw papa at palagi mo pong tatandaan na mahal na mahal ka namin higit pa po sa lahat ng bagay . Maraming- maraming salamat po sa lahat papa ! utang ko sa iyo ang lahat ng tagumpay at karangalan ko mula noon hanggang magpasa walang hanggan !Huwag po kayong mag alala at magkikita din po tayo sa huli papa ! hanggang sa muli po . Paalam aking butihing ama .
Comments
Post a Comment