Paalam Papa, Hanggang sa Muli Malungkot na masaya, masakit na mapait, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa tuwing naiisip kita aking ama (Juan E. Albarico) unang-una dahil ikaw ang taong nagparamdam sa akin ng halaga ko bilang tao at bilang isang anak. Tinuruan mo akong maging mabuting tao hindi lang sa mga kaibigan, kapamilya, at kakilala ko kundi maging sa iba pang mga tao. Habambuhay kong dadalhin hanggang sa aking pagtanda ang lahat ng mga aral at payo na ibinigay mo sakin. Papa ako po ngayon ay nalalapit na sa aking Graduation ng hayskul na nakapaloob sa k-12 program ng DEPED , sa wakas po ay masusuklian ko na din po ang paghihirap ninyo ni mama sa pagtatrabaho upang mapag-aral ako at mabigyan ng pang araw-araw na baon sa tuwing papasok sa eskwela. Sobrang lungkot lang pong isipin na kayo ay wala na upang gabayan at sabayan ako sa pag akyat sa entablado ng aking paaralan upang kunin at ipamaglaki sa lahat ang aking pinaghirapang diploma. Ngunit p...